Nasali si Ederlyn sa Deal or No Deal Part 3
Nov 10th, 2007 by Inday
Eto ang karugtong ng joke na ginawa ni Inday tungkol sa pagsali ni Ederlyn sa Deal or No Deal, sa mga di pa nakabasa ng Part 2, please click HERE.
——————–
Bubuksan na ang pang-limang number ni pinili ni Ederlyn. Nabuksan na ang 1, 2 and 3 million.
Lower!!! Lower!!! Binuksan ang briefcase number 7 at ang laman ay… Piso nga! Nagulat ang mga tao at nagpalakpakan. Laglag panga si Kris. Pinatugtog ang Careless Whisper at sumayaw si Ederlyn ng Papaya. Nabuhayan ng loob ang mga tao.
Kris: Amazing! Good job! Excellent comeback. Let’s open 2 more! Sige… Buhay pa ang 5 pesos!!!
Ederlyn: You’re learning Kris!! Ok let’s open number 8 please. Lower!!!
Kris: Ok number 8! Olive, buksan na!
Lower!! Lower!! Binuksan ni Olive ang briefcase at ang laman ay… P250,000! (sobra naman kayo, chamba lang yung kanina).
Ederlyn: Oh no!!! (kitang kita ang pagkalungkot sa mukha ni Ederlyn)
Kris: Awww… mukhang minamalas ka ngayon Ederlyn. Gusto mo bang humingi tayo ng tulong?
Ederlyn: Sige po, ok lang po.
Kris: Ok, sino itong cutie na ito? Teka bandana ba yang pantaas nya?
Ederlyn: Opo. Best friend ko po yan, si Choverlyn!
Kris: Taray ng name ha. Yan ba talaga name nya?
Ederlyn: Hindi po, yan lang gusto nyang tawag sa kanya. James po talaga name nya.
Kris: Oh gosh really? Boy pala sya no? Sure kang James name nya? Ayaw kong maniwala. Hay naku sige di bale na lang. James, este Choverlyn choose a number.
Choverlyn: Number 19 po.
Kris: 19! Ok ba sayo Ederlyn?
Ederlyn: Chovy wag muna 19. 9 na lang ha? Kasi kanina 8 eh, para di na nakakalito, sunod sunurin na lang natin.
Choverlyn: Sige sis, kung ano ang nafefeel mo. Ok lang yung 9.
Napanganga na lang si Kris sa sinabi ni Ederlyn. Pahingi hingi pa ng tulong eh sequential pala ang pinipili.
Kris: Ok Yanzki, buksan na!
Binuksan ang briefcase 9 at ang laman ay P50,000. Nabuhayan ng loob si Ederlyn.
Kris: Not bad. Ok pa tayo dahil buhay pa… ang P500,000!
Nag-ring na ang phone ni Kris.
Ederlyn: Banker higher please. Sige na banker, para po sa blowout ko sa 28.
Matapos makausap ni Kris si Banker…
Kris: Ederlyn, dahil natutuwa si Banker sa best friend mong si Choverlyn, ang offer nya sayo ay… 500 pesos!! Press the button and its yours! Is it a deal? or no deal?!!
Nagsisigawan ang mga tao ng “no deal”. Si Ederlyn naman ay nagkukunwaring natataranta at mukhang hindi alam kung ano ang pipiliin. Tumitingin sya sa audience na tilang humihingi ng payo. (Ba’t ba talaga ganun ang mga contestants?)
Nakapag-decide na si Ederlyn at malakas na isinigaw ang “No Deal!!!” at sabay pindot sa button.
Natameme ang audience at di makapaniwala sa nagawa ni Ederlyn. Laglag panga na naman si Kris. Mukhang puro commercial na lang muna ang ipapalabas ng ABS-CBN.
The end.
(Dahil siguro dito ay naawa si Banker at kinuha na lang si Ederlyn bilang 26K girl na pansamantalang kapalit ni Marylane.)
* If you want to read about the episode where Inday was the contestant, please click HERE.
* Here is a link to the alleged picture of Ederlyn and her gang if you haven’t seen it yet.
Popularity: 25% [?]


January 29th, 2008 at 10:13 am
[...] Ederlyn: Pinapangako ko, Inday… pagbukas luluhod ang mga tala! hahahahaha! [...]
January 11th, 2008 at 2:17 pm
wahaha natawa ako dun!
January 3rd, 2008 at 1:01 am
lupeet… no deal pero nag-press ng button! cool!