Ang high tech na neighborhood
Mar 26th, 2008 by Inday
Isang hapon ay lumabas si Mr. Montemayor para bumili ng internet prepaid card sa sari-sari store dahil nawalan sila ng DSL connection at kelangan nyang mag-email.
Pagdating nya sa tindahan ay nakita sya ni Ethan na nagtetext habang kumakain ng bananacue.
Ethan: Sir! Magandang hapon po. Ako nga pala si Ethan, yung kaibigan ni Inday.
Mr. Montemayor: Ahh ok. Gandang hapon din. Ka-text mo si Inday?
Ethan: Ahh, hindi po sir. Nag-susurf lang ako dito sa cellphone ko, checheck ng balita.
Mr. Montemayor: (nabigla) Ahh… ok… galing ah. Sige.
Kumatok sya sa tindahan at lumapit ang tindera.
Tindera: Ano po yun?
Mr. Montemayor: Meron ba kayong prepaid internet card? Yung 100 pesos lang, bigyan mo ako yung mabilis at mabenta.
Tindera: Ahh meron po sir. Pero kung gusto niyo mabilis talaga, nag-ooffer din kami ng Airborne Access prepaid card. Aabot naman yung wifi namin sa bahay ninyo kasi may mga booster antennas naman kami. Kelangan niyo lang ng computer or laptop na may wifi adapter. 100 lang rin sir para sa 60 minutes.
Mr. Montemayor: (laglag ang panga) Ahh sige, pwede siguro yan. Samahan mo na rin ng isang Cheers softdrink.
Tumambay muna si Mr. Montemayor sa tindahan habang inuubos ang softdrink nang may dumaang maglalako.
Maglalako: (sumisigaw) Hoppppp… Hopppp… HopiaManiPopcornDomainNamesatWebHostinggg…
Nasamid si Mr. Montemayor sa kanyang iniinom.
Popularity: 58% [?]



July 23rd, 2008 at 9:23 am
nyahahaha!!! natawa ako dun ah! parang mani na lang ang web hosting! hahaha!
July 16th, 2008 at 7:26 am
tama na tama na….
mag-enjoy na lng tau sa kwentong
katatawanan at matuto….