Posts
Comments
Stumble it!

Day-off ulit

Isang hapon ay naabutan ni Inday si ma’am na nagbabasa lang ng Star Studio magazine sa sala. Naisipan nyang lumapit at kausapin ito para humingi ng additional day-off sa susunod na linggo.

Inday: Ahh, madam?

Ma’am: Inday! Andyan ka pala! Pwede ba akong makahiram ng magazine mo? Luma na kasi itong Star Studio, nabasa ko na lahat.

Inday: Ah ok… let me get it…

Pumasok si Inday saglit sa kwarto nya para kunin ang kanyang latest issue ng US Weekly at bumalik sa sala para ipahiram kay ma’am.

Ma’am: Wow.. nice! Latest issue ba ito?

Inday: Yes but the reason that I came to you is to ask permission if I could have another day of leave next weekend.

Nakakunot ang noo ni ma’am.

Ma’am: O baket na naman? Pinapauwi ka na naman ng nanay mo? Namimiss ka na naman ba?

Inday: Oh no no no. You see I just bought a round-trip ticket to Hong Kong so I could visit a friend of mine and maybe do a bit of shopping.

Laglag ang panga ni ma’am.

Ma’am: Wow.. iba ka talaga. Ahhmm, o sige nakabili ka na pala ng ticket eh. Ano pa bang magagawa ko diba?

Inday: Precisely! (nakangisi)

Ma’am: Pasalubong ko ha?

Inday iniisip sa sarili (Wow.. ibang klase rin pala itong si madam. Ngayon lang akong nakarinig ng amo na nanghihingi ng pasalubong galing sa kasambahay)

* Oo, nag-iisip rin si Inday sa Tagalog.

Popularity: 34% [?]

1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (4 votes, average: 4 out of 5)
Loading ... Loading ...

15 Responses to “Day-off ulit”

  1. 1
    pinky Says:

    haha. ang cool talaga ni inday!

  2. 2
    Justin Says:

    hahaha di ko alam nag-iisp rin pala si inday sa tagalog.

  3. 3
    roi nicole Says:

    Finally! Grabe, day-off ni Inday sa Hong Kong?! Nagpabili pa ng pasalubong ang amo niya ha?! Matindi nito, nag-iisip sa TAGALOG si INDAY!!! Yes! Go!

  4. 4
    Virex Says:

    hmm, parang inde ito si inday.. ehehe.. sosyal na inday lang.. ehehe.. alang english masyado..

  5. 5
    fado Says:

    kunsabagay, magkano nalang naman ang airfare ngayon, im sure kahit katulong makalafford talaga. =) pwede na ngang magweekly shopping trips to hk eh. =D

  6. 6
    mayyang Says:

    sosyal! hongkong ha..naku!

    kaw tlga inday! pati amo mo humihingi ng pasalubong sau..pambihira!

  7. 7
    Reezen TOT Says:

    i really love this inday stuff…

    makes a whole new image for all the beautiful indays all over! =)

    HK! good luck inside the airport! lol

  8. 8
    miggy Says:

    npnuod na ni inday un twilight? nyahaha.:))

  9. 9
    needleheart Says:

    I don’t have any comment at all but just a few words for inday:

    CAN I HAVE MY TREATS FROM HONG KONG!!! AHAHAHA!!!

  10. 10
    eddiemoi Says:

    i love inday…. weeeeee

  11. 11
    jOymz0812 Says:

    inday idol na talaga kta ha! aus ng lines. heheh.

  12. 12
    Ms. Penny Says:

    Inday thinks in Tagalog? Gosh! That’s awesome!

  13. 13
    King Hardinero Says:

    First time to visit your blog. Nakakatuwa at nakakaalis ng lungkot. Salamat for sharing your stories Inday!

  14. 14
    Beda Says:

    inday!!hello..

    join naman ako dyan sa round trip mo..pwd ba for 2?hehe

  15. 15
    dennis dy Says:

    hahhaaha.. ang taray mo inday ha,,,iba ka talaga.

Leave a Reply