Dearest Friends,
I would like to thank you all for supporting my blog on Barber Stories’ 2008 Top 10 Funniest Blogs where I came in 6th overall.
My apologies for not finishing strong after ranking 1st on the first two rounds of tallying. Inasmuch, I would like to congratulate the other blogs who joined me at the pinnacle most especially the victor of this whole shindig, Chiksilog, whose site is truly jocular.
There’s still a raffle going on for the participants of this contest and I hope those who voted for me wins a prize.
Best regards,
Inday
Popularity: 23% [?]
Posted in Site news | 22 Comments »
Isang hapon, habang nagpapahinga si Mrs. Montemayor sa sala at nanonood ng TV na tila parang bored ay biglang nag-ring ang phone. Dali-dalian nya itong sinagot…
Mrs. Montemayor: Hello?
Caller: Hello, may I please speak to Ms. Inocencia Binayubay?
Mrs. Montemayor: Sino kamo?
Caller: Ahh Inocencia Binayubay, is she there?
Mrs. Montemayor: Inoce… walang ganun dito… ay teka.. (naisip nyang bigla si Inday).
Mrs. Montemayor: Ahh si Inday… teka lang! (halatang may pagkainis dahil may tumatawag sa kanilang katulong).
Sumigaw sya sa kusina para tawagin si Inday.
Mrs. Montemayor: INDAY!!!!!!!! Telepon! Wag matagal ha!
Continue Reading »
Popularity: 67% [?]
Posted in A day in the life..., Household | 70 Comments »
Aug 25th, 2008 by manager
Isang linggo nagpasyang magsimba ang pamilya Montemayor sa Mt. Carmel at ang misa ay binibigkas sa wikang Ingles. Isinama nila si Inday. Aktibo ang magasawang Montemayor sa simbahan kaya nakakasabay sila sa mga tugunan at mga awit na Ingles. Nang oras na para sa Our Father. Naghawak-hawak sila ng kamay at inawit ang “The Lord’s Prayer”.
Mga Montemayor: Our father, who art in heaven, hallowed be thy name….
Natigil sila nang bumanat pa ang ating bida.
Inday: In honor of the first group of the Holy Conclave of Cardinals who formulated the canons of the Roman Catholic Church and the sacred sacraments and of this eucharistic celebration hymn, this I sing…
Inday: (inawit na ala- Gregorian Chant) PATER noster, qui es in caelis, sanctificetur nomen tuum. Adveniat regnum tuum. Fiat voluntas tua, sicut in caelo et in terra. Panem nostrum quotidianum da nobis hodie, et dimitte nobis debita nostra sicut et nos dimittimus debitoribus nostris. Et ne nos inducas in tentationem, sed libera nos a malo. Amen.
Dumugo ang ilong ng lahat ng taong nakarinig sa kanya.
Popularity: 46% [?]
Posted in A day in the life... | 38 Comments »
Aug 16th, 2008 by manager
Nagpunta sa probinsya ang pamilya Montemayor para sa dalawang araw na bakasyon. Kasama nila si Inday at inutusan siyang kumuha ng papaya mula sa puno para ihalo sa tinolang iluluto ni Mrs. Montemayor.
Mrs. Montemayor: Inday, ipitas mo nga ako ng papaya para matapos na itong tinola ko.
Inday: Sure. But first I have to do my ritual.
Misis: Anung ritwal? Kelan ka pa nasapi sa kulto?
Inday: Cult? Oh my gosh! I mean ritual as a habit. It is my habit to sing a very much celebrated Filipino folk song before I harvest the papaya.
Misis: Aba. Teka, kukunin ko muna yung recorder ko para marecord ang pagta-Tagalog mo.
Hindi pa nakakapagsalita si Inday nang kinuha ni Misis ang recorder. Pagbalik ay pinakanta na kaagad ni Misis si Inday.
Inday: Leron, Leron my love, climbs a papaya tree. With him a basket new to hold the fruit for me. But when he reached the top a branch broke off in haste. ‘Twas such an evil luck, The lost one please replace.
Dumugo ang ilong ni Misis nang inabot ni Inday ang…
Inday: Here’s the tree melon.
Misis: (hinimatay)
Ipagdiwang ang BUWAN NG WIKA.
BUWAN NG WIKA 2008: WIKA MO, WIKANG FILIPINO, WIKA NG MUNDO, MAHALAGA!
Popularity: 37% [?]
Posted in Food, Household | 14 Comments »
Aug 12th, 2008 by manager
May assignment si Junior sa Civics at nagpatulong siya kay Inday.
Junior: Ate Inday, may alam ka bang mga Filipino folk songs?
Inday: Certainly Junior. Even though I am very well versed in the proper utilization of the English language I still manage to keep the fervor of nationalism in my cardiac muscle - my heart, in layman’s term.
Junior: (may tumulo nang kaunting dugo mula sa ilong)
Inday: And to prove it to you, I am going to sing my favorite Filipino folk song.
Junior: Wow. Sa wakas. Magta-Tagalog na si Ate.
At nagsimulang kumanta si Inday.
Inday: (sa tono ng Bahay Kubo) My nipa hut, although it’s small, The plants are diverse. Turnips and eggplant, Winged beans and peanuts, String beans, edible pots, lima beans, white melon, gourd, white pumpkin and squash, and still there are more… radish, mustard, Onions, tomatoes, garlic and ginger… All around are lush sesame plants.
Tuluyang lumabas ang dugo mula sa ilong ng inosenteng bata.
Inday: Pardon Junior, I forgot to say that I am going to sing my favorite native folk song in English.
BUWAN NG WIKA 2008: WIKA MO. WIKANG FILIPINO. WIKA NG MUNDO. MAHALAGA!
Popularity: 32% [?]
Posted in Junior | 23 Comments »
Jul 19th, 2008 by manager
Habang nagmemerienda ang magbabarkada sa may sari-sari store, nabanggit ni Ethan na hindi na lang sya bibili ng pedicab.
Ethan: Guys, di na lang ako magpepedicab. Inday, mahal pala yung mga piyesa na ni-recommend mo… yung iba di raw available dito sa pinas.
Inday: Awww, sorry to hear that Ethan. So what do you intend to do with your assets now?
Ethan: Di ko pa alam eh… food business kaya?
Dodong: Pwede yan pards. Food stall lang. Yung di malaki at di gumagamit ng gas. (sabay kagat sa bananacue)
Ethan: Hmm pwede. Anong klase kaya? Donut? Fruit shake?
Manang: Dimsum na lang iho. Pwedeng ulamin ng mga tao, di kailangan ng gas at dalawang tao lang ang kailangang magbantay. Maliit ng pwesto pa ang kailangan. (sabay subo ng pandesal na isinawsaw sa kape)
Ederlyn: Oo nga Ethan. May naisip na akong pangalan para sa siopawan at syomayan mo. Code Name: Asado! Hahahaha. O diba? Napapanahon. (habang patuloy ngumunguya ng Chippy)
Dodong: Corny. (sabay bato ng stick ng bananacue kay Ederlyn)
Inday: Pathetic.
Ethan: Pero ok nga talaga yung dimsum lang para di mahirap. Wag na siguro yung mga siopao pa. siomai at gulaman lang.
Inday: I agree You just have to get a good location and I would suggest a spot where it could easily cater to call-center employees. Why? Their break time is really limited so they need to consume their food quick and this is where your dimsum comes in. And if you operate 24 hours daily, you’ll rack up those sales in no time. All you need now is a catchy name.
Ethan: Hmm… ano kaya magandang pangalan?
Biglang sumingit ang pulubing nakikinig at naghahakot ng mga boteng itinapon
Pulubi: Ipangalan mong Master Siomai - Walang Tulugan! O diba? Open 24 hours a day kamo eh.
Ethan, Dodong, Ederlyn, Manang: PWEDE!!!
Inday: I don’t get it.
Popularity: 80% [?]
Posted in A day in the life..., Dodong, Ederlyn, Ethan, Manang, Pulubi | 41 Comments »
Jul 14th, 2008 by manager
Hindi alam ng nakararami na nakapag-usap na si Inday at si Annabelle tungkol sa bagong pelikula ng huli.
Annabelle: Oy, Inday, iksayted na ko sa kembek mubi ko.
Inday: Ms. Rama, it’s comeback (with the hand gesture).
Annabelle: Kem-bek.
Inday: No. Try to soften your tongue a little bit. Come… back. Comeback!
Annabelle: Basta mapanood ako ng mga pans ko sa pilikula.
Inday: But Ms. Rama, you have to practice on your enunciation first.
Annabelle: O sige na nga. Wag ka na makulet. Magpapaparlor pa ako para sa premer.
Inday: Premer?!
Hinimatay si Inday.
Popularity: 42% [?]
Posted in Showbiz | 22 Comments »
Dahil sa tuluyang pagtaas ng gasolina, naisipan ni Ethan na ibenta na lang ang kanyang tricycle at kumuha na lang ng pedicab. Balak nyang magpatulong kay Inday na maghanap ng parts para mag-assemble ng bisikleta.
Ethan: Inday, pwede bang magpatulong sayo?
Inday: Sure, what’s up?
Ethan: Bebenta ko na kasi tricycle ko kasi mahina na kita lalo na ang taas na ng presyo ng gasolina. Assemble sana ako ng bisikleta para gawing pedicab. Marunong kang tumingin ng parts diba?
Inday: I suppose so.
Continue Reading »
Popularity: 48% [?]
Posted in Ethan, Luxury | 38 Comments »
Jun 30th, 2008 by manager
Matapos magcelebrate nila Pacquiao ay naisipan nyang kamustahin ang kaibigan nyang si Inday kaya tumawag sya ng long distance.
Nag-ring ang phone ng Montemayor at ang amo ang nakasagot.
Manny: Hilow, pwide kay Inday?
Amo: Teka lang. (mukhang irita na may tumatawag kay Inday)
INDAYYYYY!!!!
Inday: Yes? Who is it?
Amo: Ewan. Pakibilisan na lang, may tatawagan pa ako.
Pinasa kay Inday ang phone.
Inday: Hello?
Manny: Inday? Kamusta ka? Di mo pala ginamit ang tikit na binigay ko sayu para sana nakanood ka sa ringsayd.
Inday: Manny? Hey!!! It’s you!
Hinimatay ang amo nang nalaman nyang si Pacquiao pala ang tumawag.
Inday: I was so caught up with the household chores here that I didn’t have time to fly there in Vegas. But I would like to offer my congratulations to you for triumphing in your match. You really got so dexterous and vicious out there.
Manny: (mukhang di gaanong naintindihan sinabi ni Inday) Ahh tenkyu! Sa awa ng Diyos di ako masyadong nahirapan. Di ko alam piru parang ang bagal ni Dabid kanina. Nagkapilipit pilipit ata ang masel.
Inday: Hahaha. You were so swifty that he didn’t know what hit him. He even mentioned afterward that he thought Roach was also there in the ring socking him. (chuckle)
Manny: Napansin nya pala yun? Tinitisting lang namin ni coach Frid kung mabagal nga talaga sya eh. Hahaha.
Inday: Manny you’re so mean. Such a joker. Anyway, I have to cut this short. Still have things to do.
Manny: (mukhang disappointed) Ah ganun ba. Sigi pagbalik ko mag-istarbaks tayu ha.
Inday: Let’s take a rain check on that ok? Thanks for calling. Tata!
(Mukhang chummy sina Inday at Pacquiao ah -manager)
Popularity: 45% [?]
Posted in Showbiz | 36 Comments »
Tambay ulit ang magbabarkada sa may tindahan para magmeryenda. Medyo napasarap ang kwentuhan kaya’t di namalayang dumidilim na.
Si Dodong ang unang nakapansin at kinausap nya ang nagbabantay sa tindahan…
Dodong: Ate, ba’t di nyo pa binubuksan ang ilaw dito sa labas? Ang dilim na eh.
Tindera: Ay sensya na pero wala pa sa oras, mamaya pang alas-siyete bubuksan yan. Mahal na kuryente ngayon. Tipid lang muna tayo.
Manang: Hayy… I understand. Kami nga balik sa manual na paglalaba. Waag na daw munang mag-washing machine. (sabay kagat sa pandesal)
Ederlyn: Ay naku sinabi niyo pa. Sa amin nga may oras ang pagbukas ng refrigerator eh kaya dapat alam mo na kukunin mo kung ayaw mong maghintay ng ilang oras ulit. (sabay laklak sa tirang Chippy sa supot)
Dodong: Ako nga di na pinapayagan ng amo kong magplantsa ng mga damit ko. Sampay ko na lang daw ng maayos pagtapos labhan. (sabay simot sa paubos na goto)
Ethan: Eh sa amin naman… yung erpats ermats ko pag-gabi pinapapunta ako sa Wendy’s para dun maki-charge ng mga cellphone namin. (habang nilalaro ang stick ng isaw)
Inday: Oh my goodness!! It’s the same in our household! My master only allow me 1 hour for my PS3. Can you believe that?? I tell you 1 hour of GTA IV is unbearable!! Not to mention asking me not to use my 7.1 Channel Home Theater System while playing. Arrghh.
Laglag panga nila Dodong at Ethan.
Napataas na lang ang kilay nila Ederlyn at Manang sa sinabi ni Inday.
Pulubi: Ouch. I feel for you Inday. (sabay sawsaw ng antipasti sa kanyang walang kamatayang supply ng olive oil)
Popularity: 89% [?]
Posted in A day in the life..., Dodong, Ederlyn, Ethan, Manang, Pulubi, Technology and Internet | 55 Comments »